That girl 1 by haveyouseenthisgirl pdf
Ang mahal mahal ng binayad ko tapos mawawala lang?! Nanlumo akong napaupo sa pavement. Ito ang kauna-unahang concert na hindi ko mapupuntahan," pagpapadyak ko sa kalsada. Para akong bata dun na nagdadabog kasi hindi nabili ng nanay ng laruan.
T3T "She got away now I'm trying to explain how That's what I like to call it Nakakainlove talaga ang boses nya! Bilang Zero fan, I'll do anything just to get in there with or without ticket! Pero kung hindi ako makakapasok sa main entrance, meron pa namang other entrance! But it all goes Lakad, lakad and ta-da! Narating ko ang back door ng Wattpad Coliseum! At ito lang ang pintong may iisang bantay, yung ibang mga pinto kasi ay may guards at may naglalakihang bouncers.
Sobrang higpit. Ito lang pinto ang chance ko. I'll barge in no matter what! Isa akong fan with a spartan spirit! Mabighani ka sa alindog ng ngiti ko!
Inichapwera lang ang ngiti ko, mukhang mahihirapan ako sa isang 'to ah. Nilapitan ko nga sya tapos hinawakan ko sa shoulder at bumulong sa tenga nya with all my seducing power tone, "Gusto ko lang naman pumasok eh Hindi sya nadaan sa pang-aakit.
Tumalikod na lang ako at nagtago muna to prepare plan B. Ako ang kaluluwa ng babaeng nirape dito sa gilid ng Wattpad Coliseum. Papasukin mo akoooo kung ayaw mong mamatay, mamatayyyyy! Umuwi ka na sa inyo. T3T Tinanggal ko na mga buhok ko sa harapan ko at pinunasan ang mukha ko ng kamay ko at humawak sa pantog ko, "Manong!
Please na papasukin mo na ako! Jingle na jingle na ako oh! It won't pee hangga't hindi nasa banyo! Pero manong, saglit lang, papasukin mo lang ako sa banyo! Sasabog na talaga pantog ko! Pag ito sumabog, mamamatay ako! Pag namatay ako mumultuhin kita! Sige ka manong! Kayaa pleaaseeee?!!
Isang malinaw na "No. I guess I have no choice, plan letter D! Plan naDedesperada na ako. Mamamatay na po ako bukas kaya papasukin nyo na po ako! May malalang sakit ako at ang makita lang ang SE ang syang pag-asa kong gumaling manong! Makita ko man lang sila!
I beg you manong from the bottom of my heart and lungs!!! Nagmamakaawa na ako kasama na po ang pasasalamat!!! Tumayo ka nga! Manong naman eh!! Pero I found a chance ng biglang magbukas ang pinto at may isang babae na staff ang lumabas, "Ano ba yang ingay na y" Hindi ko na sya pinatapos magsalita, ginrab ko na yung chance na parehas silang distracted at tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at kumaripas ng takbo papasok!
Not minding na natulak ko na yung babaeng staff. Tumigil ka ngayon din!! Sa kabaliwan ko sa SE, pinasok ko ang sarili ko sa gulo. Ito na ata yung sinasabi nilang die hard fan syndrome. Wala ng urungan 'to, kelangan makahanap ako ng way para matakasan 'tong mga guards na 'to. Hindi ko na nga alam kung saan ako natakbo eh. Pag ako nahuli nila, patay talaga ako sa parents ko nito. Baka may malapit na entrance na sa concert hall!
Takbo lang Momo, takbo. Pag nakapasok ka na sa concert hall tapos makihalubilo ka lang sa mga fans na nakikinuod hindi ka na nila mapapansin sa sobrang daming tao. Takbo lang! Nasa likod pa rin si manong guard with companies na! Nakalingon ako sa kanila habang takbo ng takbo kaya hindi ko na namamalayan kung asan na ako nakakarating.
Kasi saktong pagkatapos ng kanta Tumigil ang lahat. Tumigil ang kanta, tumigil sa pagtugtog ang banda, napatigil din sa paghiyaw ang mga audience, napatigil din ang mga humahabol sakin Complete silence. Lahat nagugulat sa pangyayari.
At ako naman parang tangang nakakagat sa aking labi habang nakatayo sa may stage na parang tuod sa harap ng madaming tao, sa harap ng mga idol ko Ano 'tong pinasok kong gulo?! Flash flash there, click click here ng mga camera. Patay, scadal 'to. Oo, patay ako, punta kayo sa burol ko. Next tissue please! Bakit mo ako sinapak, Aila! Tignan mo nga 5box of tissue na nauubos mo!
Maawa ka sa mother Earth, maawa ka sa bawat punong pinuputol para lang makagawa ng tissue na walang pakundangan mong sinisingahan! Para akong ginahasang multo dyan! Hindi ko pinangarap na humarap sa SyncBabes ko na mukhang espasol na may mga lipstick stains sa katawan!!! Sino bang nagplanong buhusan ang sarili ng sandamakmak na pulbo at sinulutan ng lipstick ang katawan tapos sumugod sugo sa backdoor ha?!
Kaya tumahan ka na dyan! Brutal masyado 'tong kaibigan ko. Umayos ka nga ng buhay mo Momo, kaya ka nato-trouble eh puro ka kasi kalokohan. Wala na tayong magagawa, andyan na yan eh. Just look on the bright side, bukod sa nakita mo ng sobrang lapit ang SE especially ang SyncBabes mo eh sinong may alam, baka binabasa rin nila itong article na 'to at currently pinaguusapan o bukambibig ka na rin sa usapan ng Syntax Error.
Who knows baka nakuha mo na talaga ang attention ng Syncbabes mo. Atleast he knows your existence na! Diba that's something great? Remember, sa madalang people ka mas in trouble.
Pag lumabas ka sa malls especially sa concert tours ng SE ay malaki ang possibilities na may makakilala sayo at who knows kung anong pede nilang gawin sayo? Pero I'll bet na kukuyugin ka lang naman nila or pede rin namang bugbugin ka nila or mas better, ilalagay ka nila sa sako then itatapon sa ilog pasig.
Hindi ko lubos maisip kung paano kita naging bestfriend. Don't worry, wag ka lang magpakita sa madlang people for a month at makakalimutan ka din nila agad. Madaling kukupas ang chismis. Videohan ko na lang para sayo ha? I have to be there bessie! Yung uhog ko kelangan ko ng i-refill, paubos na kakasinga ko sa pag-iyak. It shocked everyone in the coliseum Some think it's just pure fandom, others say she's just crazy and some says she might be an anti trying to sabotage Syntax Error's concert.
Hindi ako maka-get over sa girl na 'to! Parang she did everything just to get you Sync! Whether anti or fan sya, she's just totally creepy! Okay naman yung girl ah, dapat nga magthank you tayo sa kanya fan man sya o anti kasi pinainit nya ang pangaln ng Syntax Error sa madlang people, naging usap usapan ang last concert natin at mas tumaas pa ang mga kanta natin!
And besides din, na-cover up agad ang issue sa inyo ni Grace! O diba, instant tahimik ang lovelife scandal mo dahil sa crazy girl sa concert! Kaya wag mo ng tarayan yun, may utang na loob ka sa kanya in a way! Parang bula na nakalimutan na ng mga tao ang issue tungkol samin ni Grace.
And I'm cool with that kasi ayokong sirain ng mga issue ang image naming parehas ni Grace. We went into a relationship pero hindi kami nagwork out kaya parehas kaming nainlove sa ibang tao and eventually we broke up. No hard feelings kami ni Grace, we're still friends kaya nga ayokong gawan pa kami ng issue ng mga taga-media at fans. Pero may new girl ako, nililigawan ko pa lang sya but I'm trying as hard as I can na itago sa madla ang tungkol sa kanya kasi ayokong kuyugin sya ng media.
Hindi kasi sya artista or lumalabas sa tv pero sometimes, nagmomodel sya sa mga magazines. Kabatch mate ko sya nung naging highschool ako, ultimate crush ko sya noon at nagbalik yung pagkacrush ko sa kanya nung magmeet kami 2months ago sa reunion ng school ko sa Willford. Oo, alma mater ko ang Willford, kaka-graduate ko lang 2yrs ago pero hanggang postsecondary level lang ako hindi ko na natuloy magcollege dahil sa career ko pero siguro someday itutuloy ko studies ko.
Ang sabi kasi sa 'rumor', yung girl daw na yun ay patay na patay daw sakin. Sa bandang Syntax Error, mas sakin daw naka-focus yung sadako girl na yun. Just the mere thought of it gives me the shivers. Jusko, kahit sa school kinukuyog ako sa kababalaghang ginawa ko sa concert ng SE. Total suffering din ako sa school. Pero hindi lang ako sa school naghirap kasi simula ng concert na yun, hindi pa ako lumalabas ng bahay except pag papasok lang sa school but other than that, nakakulong na ako sa bahay.
Bukod kasi sa grounded ako ay wala akong lakas ng loob para maggala sa kahit saang parte ng Manila baka kasi anytime may makakilala sa byutipul face ko at kuyugin ako. May mall tour ang SE at itong walangyang bestfriend ko tinext pa ako. Malapit na dumating ang SE! Kakantahin daw nila yung bago nilang song! The best mang-asar. I badly need to go to that concert.
Hindi naman pa ako pedeng humarap sa madlang people eh. T3T "Bunso! Lubayan nyo ako! Leave me alooooneee! Lemme die in peace! Bakit hindi ka pumunta? Baka hindi ako makauwi ng buhay noh, yung iba kasi iniisip na anti-SE ako at may balak isabotage ang concert ng SE. Gusto ko talagang pumunta sa mall touurrrrrr! River na ng luha sa kwarto ko. Sige kuya Memo! Si Ate Aly? Ah, sya lang naman ang lovelife ng kuya Memo ko. Yup, yun nga kaya hindi nya magawang makalabas at makapunta sa mall tour.
Nabasa din ni Ate Aly ang kalokohan ko, hiyang hiya na talaga ako sa katawang lupa ko. Ayusan mo naman sya in a way na hindi sya makikilala ng mga tao para naman makapanuod sya ng mall tour later. Yeah, pede ngayon? Okay okay, sige See ya, Aly.
Anong sabi? Ginagamit mo lang ata ako para makapunta kina Ate Aly eh. Namumula si kuya Memo which means guilty! Pero ok lang, boto naman ako kay ate Aly para kay kuya. Syempre hinug-back ko sya, "Oneeee-chaaaann! Memo," humarap si Ate Aly kay kuya Memo na kasalukyang hindi mapakaling nakatayo pa rin sa may pintuan ng bahay nina Ate Aly, "Pede kang pumasok sa bahay ko, alam mo yun?
Kinikilig ang bilbil ko sa kanila! Akyat lang kami ni Momo sa kwarto ko ah? Aayusan ko lang sya. Babalik din agad kami, saglit lang 'to. Pag may kelangan ka, tawagin mo lang mama ko.
Wag mo pong re-rape-in, thank you! Nagdiretso kami sa kwarto ni Ate Aly, ang cute lang ng kwarto nya punong puno ng anime posters tapos may big shelf sya dun na puro manga ang laman tapos andami nya pang chibi stufftoys, otaku na otaku talaga si ate Aly.
Yup, she attends cosplay cons kaya madami syang wigs and stuff, "Anong gusto mong wig? I got lots of variations here, pili ka lang. This is perfect!
Walang makakakilala sakin! After that, minake up-an nya ako in a way na medyo ma-a-adjust ng konti ang features ko para hindi ako agad agad marerecognize basta wag lang ako titigan ng matagal. Nang matapos na kami, hinatid ako nina kuya Memo at Ate Aly sa mall. Humiwalay na ako sa kanila syempre pagkarating sa mall para naman magka-quality time together sila Pumunta na ako sa floor kung saan andun ang Syntax Error. Andaming tao at kitang kita ko kahit nasa malayo ako ang poging poging hot SyncBabes ko na kumakanta sa stage habang ini-strum ang gitara.
Ito ata yung Check Yes Juliet! I don't want to attract anyone's attention right now, ayoko ng trouble kaya naman relax na tatayo lang ako dito at manunuod at ieenjoy na lang ang pakikinig sa Syncbabes ko.
Peace and Calm. Yan ba bago nilang kanta? Tapos feeling pa sila na matatalo nila ang Runaway? Mas magaling pa rin talaga ang Runaway, pwet lang ang Syntax Error. Hinigit ko silang parehas sa mga buhok nila at dahil dun napa-aray sila at lumingon sakin. How dare you pull our hair! Talagang sinusubukan nila ang temper ko ah. Sino kayo?!
Oo bobo kayo! Bakit maka-ano ba kayo? Mga fans ba kayo ng Runaway ha?! Nung bulok buluking bandang yun?! Nahuli ko din sila, mga anti-SE nga 'tong mga 'to at maka-Runaway. Malaki talaga ang feud between SE at Runaway fans dahil best rival sa music industry ang dalwang banda ito.
Laging nagkakatalo sa ratings, hitcharts at ranking ang dalwa. Ayaw ko sa Runaway, mukha silang mga maangas at mayabang. Saging na bulok! Ipakain na sa mga unggoy! Sila naman nagpanimula eh, kung ayaw nila sa SE eh bakit andito pa sila at nakikinuod?! Mga leche! Tignan mo nga yang Syntax Error, pangalan pa lang ang bantot bantot na!
Sino ba naman magpapangalan sa banda nila ng isang mathematical term? Napakabantot ng name! Oo, mga runaway sila! Mga duwag, mga walang binatbat kaya dapat mag-runaway na nga sila. As in, shuuupiiii shuupiiii!
Gusto mo ng away?! Hinahamon nyo ako? Suntukan gusto nyo? Ano ano?! Wag na nating patulan! Tara na! Mga duwag, mga runaway nga kayo! May isang lumapit sakin at tinitigan akong mabuti sa mukha, "You look familiar. Mabubuking pa ata ako ng hindi oras nito ah. Hindi ah, we never met before.
Taga ibang planet ako, kahapon lang ako nag-land sa Earth specifically sa Philippines. You're familiar! Hindi ako pedeng magkamali, iba lang ang hair color mo at may maayos ka lang na make up pero nakikilala kita, ikaw yung sadako girl na nagbalak isabotage yun last concert ng SE! Ikaw yun! Oo, hinabol nila ako. Alam ko gusto nila akong kuyugin. Para akong nagnakaw ng something at hinahabol ng maraming mga asong may rabies na gustong gusto akong lapain.
Ang hirap pa lang maging wanted. Saan ako tatakbo? Saan ako magtatago? Kelangan kong makapagtago bago ako mapagod at maabutan ng mga werewolves na 'to!
Kung saan saan na ako nagpalinga linga ng matataguan! Napapagod na ako kakatakbo. Okay sa alright! Naghyper speed na ako sa takbo at pumasok sa parking lot, naghanap agad ako ng matataguan Maraming kalat sa sahig kaya naman kinuha ko yung isang bag na nakakalat at tinakip sakin habang para akong pusang nakapilipit sa ilalim ng upuan. Nakita ko syang dumaan sa parteng ito eh!
I know! Shett, sasabog na ata puso ko sa sobrang lakas at kaba. Hala tara! At dahil sa lakas ng pagkakauntog ko sa upuan eh nahilo ako ng sobra at unti unting nawalan ng malay Ampogi mo Sync! I love you Syntax Error! Ang kyoot kyoot mo Corrine, pakasal na tayo! Makalaglag panty ka!!! Syntax Error is love!!!
Humina lang ang volume ng makapasok na kami sa van at umandar na ito. Pero maririnig pa rin ang sigawan nila at ang mga camera nila ay patuloy pa rin na nagfa-flash kahit tinted naman yung van namin.
Abnormal din 'tong mga fans na 'to eh, sino ba naman magpipicture ng van na tinted? Sina Mirko at Zeke, dropdead ding nakaupo sa harapan namin ni Corrine habang tahimik lang nagdadrive si manong driver katabi ang manager namin. Nakakapagod talaga kasi after ng mga kanta eh may autograph signing pa.
Walandyek lang. Nakakapagod talaga. Hinanap ko naman sa may sulok sulok ng upuan pero wala kaya sinubukan kong kapain sa makalat na sahig ng van. Grabe, ang kalat ng sasakyan. Pinisil pisil ko pa ito Bakit parang may Hindi na ako nagdalwang isip at lumuhod sa sahig para silipin kung ano yung nasa ilalim Asan ako?! Bakit nasa ilalim ako ng upuan ng kotse? Bakit nararamdaman kong gumagalaw 'to?! Pumasok nga pala ako dito as only hope of escape sa mga serial killers ko!
May nagbanggit ng pangalan ng SyncBabes ko?! Teka boses ata yun ni Zeke ng SE? At nanggagaling sa taas ko yung boses nya. Bukod sa nakaupo sa taas ko si Syncbabes ay I can't believe this! Kinikilig ako pero hindi ko magawang i-express kasi konting galaw at ingay ko lang eh mabubuko ako ng hindi oras. Matotrouble nanaman ako pag nagkataon. Pinisil pisil nya pa!
Diyos ko po, wag Nyo naman po sanang hayaang mabuko nila ako. Sana isipin nya na marshmallow lang yung nahawakan nya. Nagsalubong yung mga mata namin Anong ginagawa mo dyan?!!! Kikiligin na sana ako kasi hinahawakan nya pulso ko pero imbis na kilig ang nananaig sakin eh takot. Kasi naman sino bang hindi matatakot sa mga naninigkit nyang mga mata? Saan nanggaling yan? Hindi ako makaimik dun, kagat kagat ko ang labi ko habang nakatungo at nakasandal ako sa may van. Pinapaligiran nila ako.
Anong ginagawa mo sa loob ng van namin ha?! Sinisigawan ako ni SyncBabes. Hindi ko pinangarap na masigawan ng idol ko. Baka anytime ay mamukhaan na nila ako. May octopus na lumilipad! Tatakbo na sana ako ng may nakahawak sa dulo ng buhok ko, "Saan ka pupunta!! Ikaw yung sadako girl sa concert! Stalker ka talaga noh?! Tapos hindi ako katulad ng sinasabi nila na anti nyo, fan nyo ako! Wala din sa plano ko ang isabotage kayo!
At higit sa lahat, hindi ako tao! Chill pre," hinawakan sya ni Mirko sa balikat, "Masyado kang hot eh, let's hear her out muna. Umayos ayos ka kasi ng page-explain, magloko ka pa sasapakin na talaga kita. Eek, bakit ganto Syncbabes ko? Don't tell me he hates me that much na?! ToT "Sorry po. Yung nangyari kasi sa concert, gusto ko lang naman makapasok at mapanuod po kayo ang kaso lang yung ticket na binili ko ay nawala.
Sa sobrang desperation ko, sinubukan kong pumasok sa back door kaso hinabol ako ng guard at mga staff kaya tumakbo ako at hindi ko na namalayan na napunta na pala ako sa stage. Bakit parang sadako ka? I was that desperate na mapanuod kayo eh.
Si miss blonde gusto lang naman pala tayo makita eh! Kaya wag ka ng masyadong harsh! Sige nga explain mo nga sakin yun?!! Nakinig naman sila sa explanation ko at mukhang hindi naman sila nagdoubt sakin well, maliban sa SyncBabes ko.
Sinadya mo lang siguro talaga lahat ng yun! You're planning something or maybe you're really just out of your head! You're crazy! Baliw na baliw ako sayo Sync Mnemosyne! Alam ko imposible ito pero I think I'm inlove with a rockstar, with you Familiar kasi yung mukha nya eh, madalas kong nakikita mukha nya sa shows, interviews at sa magazines kasama ang SE. Hala wag nyo po ako irereport sa school ko please. Anong binabalak mo ha? Mabuti pa tumawag na tayo ng pulis at ireport yang babaeng iyan.
WAg po! Please wag nyo po akong isumbong. Promise hindi na po mauulit. Ako po? Sync: "Ano?! Nahihibang ka na ba? Magha-hire ka ng baliw? Gusto mo bang ma-curse ang SE?! This is so unbelievable! I like Nice one manager! Welcome sa family, blonde baby! Exciting 'to. May bago tayong PA! Don't worry kid, you can treat me as your ate. Marunong ka bang magdrums? Gusto mo turuan kita? SAna hindi nagtaas ang diesel.
Hindi na ako nag-isip, um-oo na lang agad ako Eh paanoba naman akong hindi makakatanggi? Ikaw ba kung magiging kahit PA ka lang pero makakasama mo ang mga idol mo like everday, hindi ka ba naman papayag?
Yung mga recent disasters ko, hindi ko akalaing mirarcle in disguise pala. Naeexcite ako bessy! This is it, makakapasok na tayo sa network building kung saan nagtatrabaho ang SE! Pinaghandaan namin dalwa 'to ni Aila. Nagshopping pa kami kahapon ng mga damit na susuotin ngayon para naman mukha kaming presentable pag pumasok dito. Oo nga pala kaya kami nandito kasi pinapunta ako ni manager Ree para daw mapagusapan namin ang schedule at mga dapat gawin ko pag naging PA ako ng SE atsaka papirmahin na din daw ako ng kontrata.
Excited na excited na talaga ako, nakwento ko din 'to kay Aila at tuwang tuwa sya. Pinramis ko sa kanya na pede nya akong samahan pag nagp-PA ako para makita nya din ang SE ng malapitan. Maraming tao at hindi namin mapigilan maexcite sa tuwing may mga artista ng network na 'to na nakakasalubong namin sa hallway.
Yung bagong labas na film? Yung blockbuster? Ang ganda nun ah! Teka lang diba bakla yan? Yan ba ang bading? Papalicious sister! Landi mo kapatid! Sige na gwapo na pero loyal ako sa Syncbabes ko! Mehehe-- ayy! At anong karisma pinagsasabi nya? Wala sila nun! Ang hahangin talaga nila! Mga nagbubuhat ng sariling bangko!
Sila lang naman ang Runaway, ang kaderder na epal sa pinakamamahal kong bandang Syntax Error! Yung nakabungguan ko eh ang leader nilang si Kevin Sy. Narinig mo? Karisma daw?! Ang kakapal! Hindi pedeng humarap ka ng parang hindi naplantsa yang mukha mo. Nasa isang room kami, meeting room ata kasi may mahabang lamesa at maraming upuan kaso walang tao dun kundi si manager Ree lang na nakaupo sa dulong upuan habang may mga papel sa harap nya.
Behave lang sya promise! This is a contract signing meeting kahit PA contract lang kelangan private pa rin ito. She can wait outside. Sige goodluck! As soon as makaalis si Aila sa room eh nagsimula na kami ni manager Ree sa PA contract ko.
Sikat nga po sila sa school namin eh. Ang alam ko, magkakabarkada na sila nung highschool pa lang sila tapos pare-parehas silang nagdecide magstop nung matapos na nila yung post secondary level eh.
Eh kung hindi siguro sila nagstop at nagcontinue sila ng college sa Willford baka schoolmate ko pa sila. Since may contact ako sa Willford, alam ko na ang schedule ng klase mo. Ayon sa Willford, nasa last level ka na ng post secondary level so that makes you 18 right? As far as I know, sa senior level ng post secondary level eh half day lang tama ba? May afterschool class ka ba? Practices or courses?
I'm free sa hapon po maliban na lang po kung may mga susulpot na school practices or emergency. Well then, ang trabaho mo kahit anong oras basta aroung 3pm to 10pm Anong ibig pong sabihin ng kahit anong oras basta aroung 3pm to 10pm? Tatawagan na lang kita pag kelangan ka ng SE kaya dapat around pm ay ready ka. Pero kung hindi kita tatawagan, pede kang pumunta sa condo ng Syntax Error," bigla syang may binigay saking address card, "Andyan na yung address at telephone number ng bahay ng SE.
Mamaya bibigyan na rin kita ng duplicate key ng condo nila. Kung hindi kasi kita tatawagan halimbawa walang important project ang SE, pede kang pumunta sa condo ng SE ng around 4pm para linisin ang condo nila. Ayan na siguro ang pedeng fixed schedule mo, 4pm para maglinis sa condo nila.
Alam ko parang katulong na yun at hindi na PA pero dadagdagan ko na lang ang bayad mo, ikaw lang kasi ang sa tingin ko na pedeng pagkatiwalaan sa SE.
Ako lang po sa tingin mong mapapagkatiwalaan sa SE? Matagal na kasi akong naghahanap ng matinong PA at katulong nila pero everytime may nakukuha ako ay laging sinisiraan nila ang SE. One time binigyan ko ng duplicate key ang isang katulong na hinire ko para linisin ang condo nila, ang kaso naman nahuli nyang may kahalikan si Mirko sa loob ng kwarto nito at kinunan nya ito ng picture at binenta ang picture sa media Yung mga ganong factor ba, minsan anti pa ang nakukuha ko o kaya binabayaran ng anti para sirain ang SE.
Pero sa tingin ko naman, hindi ka ganun eh? Pamula dun sa concert na pagpipilit mong makapasok hanggang dun sa van na confession mo, nagawa mo akong mapaniwala na hindi mo magagawang sirain ang Syntax Error kaya inalok agad kita ng trabahong ito. Maipapangako mo ba sakin na sa pagsisilbi mo sa SE, hinding hindi mo sila sisirain o ibebenta sa mga anti? Natutuwa po ako at pinagkakatiwalaan mo ako. Promise ko po sa inyo hinding hindi ko sisirain ang SE. Mahal ko po sila! Gusto nyo po hindi lang katulong at PA eh, pede na rin nila akong bodyguard!
Ipagtatanggol ko sila sa mga taong gustong sumira sa kanila! I'll shoot all anti! Sabi ko na eh, ikaw na talaga ang taong angkop para sa SE. O sige, pirmahan mo na 'tong kontrata. The payment will be 20thou a month plus php kapag may mga midnight work, for example uumagahin ka na dahil sa concerts.
Give it to me later, dapat laging bukas ang telepono mo okay? Sa number ng SE, ikaw na lang magtanong sa kanila kung ibibigay nila. Just tell them na pangemergency use mo lang sila tatawagan at baka ibigay nila number nila sayo. Isa pa, lahat ng makikita at malalaman mo sa SE dapat private lang ok? Kelangan nating umiwas sa media kaya wala ka dapat pagsasabihan ng lahat ng makikita mo sa loob at labas ng stage pati na rin sa condo nila.
Hindi ako marunong magtago ng secret sa bestfriend ko eh. Welcome sa SE family, Momoxhien Clarkson! Magkakasusi pa ako ng condo nila! May private access pa ako sa concerts nila! Anong say ng pagiging julalay kung ito naman ang kapalit diba?
Yae nyo na, may role din ako dito eh. Sumaside story ako kumbaga. Kung hindi pa, ipapakilala ko sarili ko sa inyo. Ako si Aila Santiez Ayan kilala nyo na ako. Ang boring, hinihintay ko kasi si Momo dito sa labas ng pinto ng kwarto kung asan sya ngayon. Ang swerte ng bestfriend ko noh? Akalain nyo yun julalay na sya ng SE! Malamang lamang may private access na yan sa mga concerts, sana lang hindi nya ako makalimutan. XD Antagal. Nabobored ako dito sa may tabi ng pinto, mabuti pa makapaggala gala muna sa building ng network.
Maraming hot papa dito kasi pagala gala mga artista. Pero wag nyo akong isipan ng masama, malandi ako Pero kalimutan na natin yung hinayupak kong ex na yun.
Bad word yun eh. So anyway, maggagala na nga ako. Lumapit ako dun sa boses at sinilip ito Ang pogi pogi nya talaga kahit sa personal! Kausap nya ata si Si Naomi! Yung lead girl nya!!!! Ang sarap naman maggala sa network building na 'to, andaming artista, andaming idol kong pakalat kalat anywhereeee! Can't you see, ampogi pogi ni Stephen! Tapos andyan pa kaloveteam nyang si Nami!!
Para akong nanaginip! Sampalin mo ako para malaman ko kung nanaginip ba ako hindi!!! Bakit mo ako sinampal? Sino ka ba?! Masyado akong nafascinate sa mga artistang nakikita ko na hindi ko na namalayan na may abnormal na sa tabi ko Hindi abnormal ang katabi ko Si Mirko ng Syntax Error ang katabi ko! I'm Mirko Capobianco, sabi mo sampalin kita para malaman mo kung nanaginip ka ba o hindi so O dahil sa sinampal nya ako.
Ay ewan. Close ba tayo ha? Ayokong may babaeng nagagalit sakin," nabigla ako kasi bigla syang yumuko at lumapit sa mukha ko habang nakahawak sya sa balikat ko, "Scusa Ano pusa? Ano--" hindi na ako nakaimik ng nilapit nya na ng tuluyan ang mukha nya sa mukha ko at Kiniss nya ako. Ansaya saya, meron na akong susi ng condo ng SE. Aila, yuhuuu where are you? Mabuti pa matawagan na mahirap hanapin yun sa lawak at laki ng building. Mga ilang rings lang ay sumagot na si Aila.
Ayy pochek. Ayusin nga natin dila natin. Asan ka na ba? Tapos na ako sa meeting. Tara na, puntahan kita. Nung matagpuan ko si Aila parang sinaniban sya ng ispiritong abnormal kasi hindi sya mapakaling parang natataeng namumutlang parang ewan. Pag tinatanong ko naman kung ayos lang sya o kung napaano sya, sasabihin lang nya "ah, wala to wala to. Sabi nya eh basta wag lang syang mageepelepsi dyan mamaya. Para kasi talagang may sapi sya eh. Ayy ewan. Pumunta kami sa may pinakamalapit na mall at tumambay sa starbucks dun para maki-wifi connection ang aming beloved cellphones habang nililibre ko si Aila bilang celebration ng aking success julalay contract sa aking pinakamamahal na band.
Ssh lang okay? Oo, meron na. So ibig sabihin nito, I can go anytime any hour any minute any second sa kanilang condo! Baka mamaya nyan mabalitaan na kita sa tv na nirape si Sync! Wag kang magalala, hindi ko gagalawin si Syncbabes hangga't hindi pa kami kinakasal. Ni hindi mo pa nga boyfriend yung tao, nangangarap ka na ng ganyan kataas! Ni hindi pa nga kayo friends eh! Alam mo ba yung sa mga koreanovela at jdrama, yun bang yung bidang babae biglang magkakachance mameet ang idol nya tapos titira sila sa iisang bahay then BOOM, magkakainlove-an sila!
Alam ko ganun magiging future namin ni Syncbabes! Hindi ka koreana kaya wag kang mangarap! At lalong wala ka sa telenovela para maging posible yang mga pinapangarap mo! Oo nga pala, nagsign up ako sa newsletter ng fansclub ng Syntax Error para everytime na may new gossip, makakareceive ako sa mail ko. Leader of Syntax Error, Sync Mnemosyne Caught dating a new girl after his official break up with the singer, Grace See.
But who could this girl be? Keep your eyes open, SE May naka-attach pang picture ng isang boy na may kasamang girl kaso sobrang blurr at madalim na hindi mo mamukhaan kung sino. Ohnoes, si Syncbabes ko nga ba ito with a new girl? Pero sino sya? Sino ang bagong lovelife ng lovelife ko? Initial reaction namin nyan tuwing may heavy scandal ng Syntax Error kaming nababasa.
Nakahanap na agad ng bagong lovelife, paano na lang ako? Wag kang mag-alala, tamang tama diba personal julalay ka na? Eto na chance mo para makilala kung sino yang new girl! May vip access ka na rin sa pagiistalk sa personal life ni Sync! Sa buong buhay ko ngayon lang ako naging excited sa paglilinis ng bahay, truth be told Sa bahay kasi namin may tagapaglinis kami pero okay lang kahit kelangan kong humawak ng dirty particles, kahit toilet bowl pa lilinisin ko kung SE naman gumamit, why not?
O sige na, alam ko baliw na talaga ako. Pero hayaan nyo na, ganto lang talaga mafreak out ang isang superfan. Pagkapasok mo nasa sala ka na agad na may malaking tv at paikot na couch na sobrang daming nakapile na damit sa may sahig tapos may mga box pa ng pizza tapos pag kaliwa mo ay kitchen na agad na err Sa tabi ng kitchen may malaking table na pabilog na may anim na upuan, may kalat din sa table. Anobayan, everywhere may kalat. Tapos mula sa entrance at kakanan ka naman, may apat na pinto na magkakatapat, mga kwarto siguro nila?
Ano kaya ang kwarto dyan ni Syncbabes? Ayun ang trip kong unahing linisin I mean Ayy, ang manyak ko. Naiintindihan kong mga busy silang tao at konti lang ang time nila para mag-imis ng gamit pero hindi naman siguro tama yung iwan na lang ng ganto kakalat ang bahay nila diba? Talaga naman oh-oh. Buti na lang may mga name tags sa pinto kaya nahanap ko kaagad kwarto ni Syncbabes. Dahil hindi ako makapaniwala, tinignan ko pa ulit yung name tag sa pinto kung tama ba talaga ang pangalan na nakasulat dun pero pag tingin ko isang malaking SYNC ang nakalagay sa name tag.
Kwarto ba to ng lalaki? Nakaka-turn on talaga. You know, ayokong mahawakan ng dusts and such particles ang Syncbabes ko kaya lilinisin ko pa rin 'to. Tinurn on ko na yung ipod ko at nagsimula ng magpunas punas ng mga gamit ni Syncbabes habang tumutugtog ang kanta ng Syntax Error sa aking ipod. Dear Maria by All Time Low now playing I got your picture I'm coming with you Dear Maria, count me in There's a story at the bottom of this bottle And I'm the pen Hindi naman mahirap maglinis eh lalo't papunas punas lang ako ng mga gamit ni Syncbabes.
Actually enjoy nga kasi andami kong nakikitang mga gamit nya, grabe hindi ko akalaing aabot ako sa point na makakapasok ako mismo sa condo nila at sa mismong kwarto ni Syncbabes! Dati hanggang silip lang ako sa kanila sa concerts nila at sa screen pero ito ako ngayon Kahit julalay na lang ako forever, masaya na ako. Picture ng Syntax Error yun nung mga studyante pa lang sila. Grabe, ambabata pa nila dito oh tapos naka-uniform pa sila ng Willford Academy. Sayang talaga hindi ko sila naabutan.
Close talaga sila noon pa lang, sana maging close din ako sa kanila. Ang feeler ko Live and let live you'll be the showgirl of the home-team I'll be the narrator Telling another tale of the American dream I see your name in lights We can make you a star Girl, we'll take the world by storm It isn't that hard Wag nyo akong sisihin, nabigla lang talaga ako. Nabigla ako ng magbukas ang pinto at bumulaga sakin si Syncbabes na may kahalikan na babae Nabigla rin sila sa presence ko at napatigil silang parehas.
Table of contents Last updated Aug 08, That Girl. You may also like. The Other Side Book version. Meet Kiel and Angel, the star-crossed lover of this story. Marami nang kinilig sa kanila kahit na n By any chance Ito ay istorya ni Luna, ang magandang babaeng paborito ang salitang 'punyeta'.
At ni Chance, ang p Dear Future Boyfriend. He's a Kidnapper Book Version. Whenever I am with him, I feel safe. I never thought that he's the one who's going to bring me in d Suddenly It's Magic.
Paano gagalaw ang lovestory ng dalawang tao kung si torpe, hindi maamin ang nararamdaman niya kay m The One that Got Away Game Over The Falling Game 2.
0コメント